-- Advertisements --

Pinuri ni PNP (Philippine National Police) Chief, Police General Guillermo Lorenzo Eleazar ang Northern Police District (NPD) hinggil sa pagkakaaresto sa isang big time gun runner.

Kinilala ni Eleazar ang suspek na si John Christian Bautista, 33-anyos na nakatira sa Camella Lessandra, Barangay Bucandala IV, Imus, Cavite, at iligal na nagbebenta ng armas sa pamamagitan ng online selling.

Ang pagkakadakip kay Bautista sa pamumuno ni B/Gen. Jose Hidalgo, mababawasan na ang pagkalat ng loose firearms at ang mga insidente ng gun-related violence sa Metro Manila, at karatig probinsiya.

Bago pa nahuli si Bautista sa ikinasang buy bust operation ng NPD District Special Operations Unit sa pamumuno ni Lt. Col. Jay Dimaandal, ay nakatanggap sila ng impormasyon na mayroong ongoing transaction ng pagbebenta ng loose firearms sa isang Facebook chat group.

Kaagad nagsagawa ng validation ang mga operatibakayat nakipagtransaksiyon sa seller na bumili ng armas at napagkasunduan na magkita sa Metropolitan Petron Gas Station sa may Macapagal Avenue, Pasay City nitong Hunyo 15, Martes.

Sa isinagawang entrapment operation, nakumpiska ang iba’t ibang armas sa suspek.

Ito ay ang mga sumusunod:
Thompson submachine gun cal .45 M1 SN 175291 with one magazine;
MGV 176 Cal .22 LR SN 3037;
STI 9mm with SN# KF 11205;
Cobra Special Cal .38-no serial no.
cal .40 Smith and Wesson with SN NEH 8367 at
cal .45 COLT 38720
 
Sa follow-up operations ng mga pulis, boluntaryong sumuko ang asawa ni Bautista kung saan mas marami pang loose firearms ang nasabat sa bahay nito sa Imus:  
assault riffle FMK F/A (Tactical) Infant
(1) Shotgun Mossberg T 851464
(1) AK SN-A 502975
(1) MA Carbine Cal. 5.56 MM SN 123561
(1) US Carbine Defaced SN
(1) .22 TCM SN TR008777
(1) Sniper Riffle SN Defaced
(1) Performance STR SW-SN Defaced
(1) Taurus SN NDX 91540
assorted box ng ammunition at magazine
 
Ang matagumpay na operasyon ng NPD ay patunay na malakas ang at napakaepektibo ang community partnership.

Giit ng PNP chief, malaking bagay ang tulong ng publiko para mapanatili ng ating kapulisan ang kaayusan sa mga komunidad.