Nababahala ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa ilang reports na nagsasabing may ilang Overseas Filipino Workers (OFWs) na hinaharang papasok ng Saudi Arabia para magtrabaho dahil sa COVID (Coronavirus Disease)-19.

Sa “Laging Handa” press briefing sa Malacañang, sinabi ni DFA Assistant Secretary Ed Meñez na maaaring mayrooon lamang hindi pagkakaunawaan kaya gusto nilang maliwanagan agad ang usapin mula sa gobyerno ng Saudi Arabia.

Ayon kay Asec. Meñez, wala silang alam na may ban na pinaiiral ang Saudi Arabia sa mga OFWs.

Sa kabila ng ilang reports na ito, inihayag ng kalihim na mahigpit na naka-monitor sa sitwasyon ang embahada ng Pilipinas sa Riyadh at ang mga natatanggap na report ay masusing pinoproseso at bineberipika.

Sa ilang natanggap na reports, sinasabing hindi muna pinapapasok sa Saudi Arabia ang pilgrims at ang tourist visa ay hindi muna nila iiisyu sa mga mamamayan ng mga bansang may COVID-19.

-- Advertisement --