-- Advertisements --

Naniniwala si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na kayang maabot ng Pilipinas ang pagiging rice self-sufficient nito sa susunod na dalawang taon, kung magpapatupad ng malalaking reorganization ang pamahalaan sa iba’t-ibang tanggapan.

Ito ang pahayag ng pangulo kasunod ng pulong kasama ang mga opisyal ng Departmen of Agriculture (DA) at National Irrigation Administration (NIA) kung saan ipinabatid sa pangulo ang kasalukuyang estado ng irrigation system ng bansa.

Sa nasabing pulong, inilatag ang timetable para sa mga dapat na gawin ng pamahalaan upang maisakaturapan ang nasabing layunin.

Ipinunto ng pangulo, maraming hakbang ang dapat na ipatupad, ngunit batid ng gobyerno kung ano ang dapat na gawin.

Ayon kay Pangulong Marcos, nangangailangan ito ng kooperasyon at koordinasyon ng iba’t-ibang tanggapan ng pamahalaan kaya sa susunod na pulong, makakasama na nila maging ang mga opisyal ng DPWH at NEDA.

Dagdag pa ng pangulo kung magpapatupad ng major reorganization katuwang nito ang iba’t-ibang tanggapan ng pamahalaan.

Kabilang sa mga istratehiya na ipatutupad ng NIA ay ang public-private partnerships (PPPs) sa irrigation infrastructure development, climate-proof infrastructure, flood control management, atmassive reforestation sa NIA-supervised watershed areas.