-- Advertisements --
rice

Malaki ang magiging papel ng ibat-ibang ahensiya ng pamahalaan sa target ng administrasyon na maging rice self sufficient ang Pilipinas sa susunod na dalawang taon.

Ito ang sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa harap ng naturang target na nais ikasa ng pamahalaan.

Ayon sa Pangulo, kakayaning makamit ang nasabing objective at malaki ang magagawa dito ng kooperasyon at collaboration ng ibat- ibang sangay ng gobyerno gaya ng Department of Agriculture, National Irrigation Administration, DPWH at maging ng National Economic and Development Authority o NEDA.

Ipatatawag aniya niya sabi ng Pangulo ang nabanggit na concerned government agencies para sa susunod na pagpupulong para mapag- usapan ang timetable sa kung ano ang mga dapat gawin at ano- anong mga koordinasyon ang dapat isakatuparan.

Kaugnay nito’y unang sinabi ng Pangulo na maaari ring magsagawa ng major reorganization ang ibat- ibang agencies para sa naturang target ng pamahalaan.