-- Advertisements --
Pinuri ng Russian ambassador sa Pilipinas ang paninindigan ni Pangulong Rodrigo Duterte na mapanatili ang neutralidad sa nagaganap na digmaan sa pagitan ng Russia at Ukraine.
Ayon kay Marat Pavlov na ang neutral na paninindigan ng pangulo ay “napakabalanse at napakatalino” raw.
Tiniyak ni Pavlov na ang patuloy na digmaan ay hindi makakaapekto sa bansa at sa relasyon sa dayuhan at kalakalan ng Russia.
Sinabi rin nito na ang kanyang mga pagbisita sa mga pangunahing lungsod at lalawigan sa bansa ay bahagi ng pagsisikap na pahusayin ang kooperasyon ng dalawang bansa sa usapin ng kalakalan, turismo, at pagpapalitan ng kultura.
Napag-alaman na ang Russian ambassador ay nasa Cebu noong Biyernes, Abril 1.