Reading Time: 1 minute
Baron Giesler
Baron Geisler/ IG post

Ibinunyag ng Royal House of Sulu na peke ang ibinigay na pagkilala bilang “datu” sa actor na si Baron Geisler.

Sa inilabas na kalatas ng The Royal House of Sulu, na hindi kinikilala ng gobyerno ng Pilipinas ang nagpapanggap na mataas na opisyal ng Sulu.

Dagdag pa sa pahayag na hindi dapat magpalinlang ang publiko dahil hindi Datu of Sulu ang actor.

Ang nasabing pahayag ay mula mismo sa Royal Majesty Paduka Masahari Al-Maulana Ampun Sultan Hadji Muedzul-Lail Tan Kiram ibni Almarhum Sultan Mohammad Mahakuttah Abdulla Kiram, ang 35th Sultan of Sulu and North Borneo.

Nanindigan sila na sina Mohammadmamay Hasan Abdurajak and Maria Makiling Helen Fatima Nasaria Panolino Abdurajak ay mga commoners at walang royal blood.

Magugunitang ginawaran ng honorary Datu ang actor na nagpakilalang bilang King Raja Mohammadmamay Hasan Abdurajak at Queen Maria Makiling Helen Fatima Nasaria Panolino Abdurajak na mga tagapagmana ng trono ng Sultanate of Sulu at North Borneo.