GENERAL SANTOS CITY – Lahat umano ng posibleng lead na maaaring iugnay sa motibo ng pamamaril sa anak ng dating boxing champion na si Rolando Navarrete Sr. ang tinututukan na ngayon ng pulisya.

Sa panayam ng Bombo Radyo GenSan, inihayag ni Major Rexor Canoy, tagapagsalita ng General Santos City Police Office, sa nakatanggap ng ulat ang pulisya na umano’y asset si Rolando Navarrete II, 24.

Maliban dito, nasangkot din umano noon ang biktima sa carnapping incident at pagnanakaw.

Una rito, inamin sa Bombo Radyo ng kinakasama ng namatay na nakababatang Navarrete na dating drug surenderee at natokhang na noon si Rolando.

Nagsasagawa ng validation at background ang pulisya sa pagkatao ng biktima ng maaaring makatulong sa pagtukoy sa motibo at pagkilala na rin sa mga suspek.

Una rito, kasama pa ni Rolando ang kinakasama nang barilin ng motorcycloe riding criminals at ito ay tinamaan sa dibdib na sanhi ng kamatayan nito.