Naging malalim na ang nahukay ng China sa ilalim ng South China Sea.
Ayon sa Xinhua news agency na gumamit ang Chinese scientist marine research vessels nila na tinawag na “Sea Bull II”.
Aabot na aniya sa 231 metro ang haba at 2,060 metro ang lalim na nahukay sa lugar.
Isinagawa ng China ang nasabing paghuhukay para mabawi ang sediment core mula sa seabed ng South China Sea kahit na mayroong tension sa pinag-aagawang teritoriyo ng Taiwan at Pilipinas.
May kakayahan ang kanilang sistema na mag-explore ng natural gas hydrate resources mula sa seabed ng dagat.
Hindi naman sinabi ng Chinese state media kung saang ekstong lugar sa South China Sea sila naghukay.
Magugunitang pinag-aagawan ng mga bansang Malaysia, Vietnam, Brunei at Pilipinas ang nasabing lugar.










