-- Advertisements --
image 193

Isinisisi pa rin sa paghina ng piso kontra dolyar at sa pagbawas sa produksiyon ng langis sa international market ang nakaamba na namang oil price hike sa susunod na linggo.

Una nang nag-anunsiyo ang OPEC+ o Organization of the Petroleum Exporting Countries na babawasan nila ng 2 milyong bariles kada araw ang kanilang ibabawas sa produksyon.

Samantala sa inisyal na pagtaya ay nasa P2.53 kada ltro ang ibabawas sa diesel, P0.74 naman bwat litro sa gasolina, habang sa kerosina ang itataas naman ay nasa P2.63 kada litro.

Inaasahang magbabago pa ang naturang presyuhan dahil sa lunes pa opisyal na mag-aanunsiyo ang mga oil companies para isagawa ang implementasyon ng bagong galaw ng presyuhan sa martes.