Isinulong ni Sen. Bong Go na palakasin pa ng national government ang “balik probinsya” program, ngayong nahaharap ang bansa sa krisis na dulot ng COVID-19.
Ayon sa mambabatas, bahagi ng kaniiyang panukala ang pagtataguyod ng livelihood programs para sa mga pauuwiin sa mga lalawigan.
Sinabi pa ng senador na posibleng ang mga paghihigpit at pagbabago ng sistema sa kalakhang Maynila ay maging “new normal” na, kaya kakailanganin ang decongestion process.
Giit pa ni Sen. Go, mas masarap pa ring mamuhay sa probinsya dahil sa sariwang hangin at magagandang tanawin, bagay na hindi nararanasan ng mga naninirahan sa Metro Manila.
“Ngayon, mas nararamdaman natin ang matagal nang pinupunto ng Pangulo na kailangan talaga i-develop ang iba pang probinsiya para mabawasan ang tao sa Metro Manila. Masyadong masikip dito, mabilis kumalat ang sakit. Masyado ring maraming tao, hirap na hirap tayong maalagaan lahat ng apektado,” wika ni Sen. Go.