-- Advertisements --

Inihayag ni Quezon Rep. Jay Jay Suarez na bahagi ng kanilang karapatan ang paghain ng kampo nina Eric Celiz at Lorraine Badoy ng Habeas Corpus sa pamamagitan.

Sinamahan ni dating presidential spokesperson Atty. Harry Roque ang mga asawa nina SMNI anchors Lorraine Badoy at Jeffrey Celiz ng maghain ang mga ito ng petisyon ang writ of habeas corpus sa Supreme Court.

Sa panayam kay Rep. Suarez kaniyang sinabi na karapatan nina Celiz at Badoy na magsampa ng reklamo at kanila itong nirerespeto.

Subalit binigyang-diin ng mambabatas na may sapat na basehan ang House Committee on Legislative Franchises na i-cite for contempt ang mga ito dahil may ginawa silang mga paglabag.

Dagdag pa ni Suarez na sa panig ng Kamara sumunod sila sa batas sa pag contempt sa dalawang anchors.

Ngayong araw muling nagsagawa ng pagdinig ang Committee on Legislative Franchises upang talakayin ang inihaing House Resolution No 1499 kung saan hinihikayat ang National Telecommunications Commission na suspindihin ang operasyon ng SMNI.

Dagdag pa ni Suarez ang pagdinig ng komite ay continuation sa nagdaang mga pagdinig.