-- Advertisements --
Patuloy ang ginagawang paghahanap ng mga otoridad ng mga survivors sa naganap na pagsabog sa isang hotel sa Havana, Cuba.
Umabot na sa walong katao ang nasawi ng sumabog ang Saratoga Hotel kung saan maraming katao ang nasugatan at pati ang mga sasakyan sa paligid nito ay nasira.
Base sa imbestigasyon ng mga otoridad na dahil umano sa gas leak ang nasabing pagsabog.
Magugunitang magkakasunod na pagsabog ang bumulabog sa nasabing hotel.
Binisita naman na ni Cuban President President Miguel Diaz-Canel ang lugar ng pagsabog at maging ang pagamutan kung saan dinala ang mga sugatang biktima.
Itinayo ang hotel noong 1930 na mayroong 96 na kuwarto at noong 2005 ay muli itong binuksan sa publiko matapos na ito ay ayusin.