22-year-old Yorkville University student Wanzhen Lu found safe after release from captivity.

Nagsagawa na ng imbestigasyon ang Ontario Provincial Police para malaman ang motibo sa likod ng pagdukot sa isang business administration student ng Yorkville University.

Si Wanzhen Lu, 22-anyos, ay dinakip ng mga hindi kilalang lalaki sa Canada.

Ayon kay York Regional Police spokesman Andy Pattenden, dinala kaagad ang biktima sa ospital upang gamutin ang kanyang mga sugat.

Dinakip si Lu noong Sabado ng gabi habang naglalakas sa underground car park sa Markham, Toronto.

Kasunod nito ay ang pagka-aresto sa isang 35-anyos na lalaki na hinihinalang may koneksyon sa nangyari ngunit agad din itong pinalaya.

Sa pahayag na inilabas ni Pattenden, apat na suspek ang pinaghahanap ngayon ng mga otoridad.

Ginamitan umano ng mga suspek si Lu ng taser bago ito pilit na isinakay sa isang itim na Dodge caravan bandang ala-sais ng gabi.

Ang biktima ay nagmamay-ari ng mga luxury cars tulad ng Lamborghini at Rolls Royce.

Narekober naman ang minivan na ginamit ng mga suspek sa Toronto.