-- Advertisements --

Muling sisimulan ng Malaysia Transport Ministry ang paghahanap sa Malaysia Airlines Flight MH370 matapos ang mahigit isang dekada mula nang ito ay mawala.

Matatandaang noong Marso 8, 2014, 239 na pasahero ang sakay ng Malaysia Airlines Boeing 777.

Ipinahayag ng Malaysian Transport Ministry nitong Disyembre 3, Miyerkules, na ang deep-sea search ay ipagpapatuloy ng Ocean Infinity at nakatakdang magsimula sa Disyembre 30 ngayong taon.

Ang Ocean Infinity, isang marine robotics firm na nakabase sa Texas, ay lumagda ng “no-find, no-fee” contract kasama ang gobyerno ng Malaysia noong Marso.

Patuloy namang nananawagan ang mga kamag-anak ng mga biktima para sa pagpapatuloy ng paghahanap at pagkuha ng kasagutan. (Betha Servito)