Nasa ibang bansa pa rin ang itinuturong “drug queen” na pinangalanan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na sangkot umano sa pagbili ng mga recycled drugs na nakukumpiska ng mga tinaguriang ninja cops.

Ayon kay National Capital Region Police Office chief Major General Guillermo Eleazar, nakausap na nila ang mga barangay opisyal ng Barangay 484, Zone 48 ng Maynila at kinumpirmang nasa ibang bansa na si Guia Gomez Castro.

Inamin din ni Manila police district director Brig. Gen. Vicente Danao, na ang matagal ng nasa listahan nila ang dating barangay opisyal.

Magugunitang ibinunyag ni PDEA Director Aaron Aquino na malaki ang koneksyon ni Castro sa mga ninja cops na bumibili ng mga recycled drugs.