-- Advertisements --
Pinalawig pa ang paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) para sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa 3 probinsiya sa bansa hanggang sa araw ng Linggo, Setyembre 3.
Ito ay matapos na suspendihin ang COC filing ngayong araw sa Metro Manila, Cagayan at Ilocos Norte dahil sa bagyong Goring.
Sinunspendi rin kasi ang lahat ng pasok sa mga tanggapan ng Comelec sa mga rehiyon dahil sa nararanasang malakas na mga pag-ulan at baha bunsod ng bagyo.
Matatandaan na opisyal na binuksan ng poll body ang paghahain ng COC sa buong bansa para sa lokal na halalan noong araw ng Lunes, Agosto 28 na magtatapos sana sa Setyembre 2.
Nasa kabuuang 672,000 ang mababakanteng posisyon mula sa 42,000 barangay kasabay ng pag-alis ng outgoing local officials.