Itinakda ng Commission on Elections (Comelec) ang paghahain ng Certificates of Candidacy (COCs) para sa Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections simula OKtubre 6 hanggang Oktubre 13 ng kasalukuyang taon.
Ito ay base sa Calendar of activities para sa naturang halalan na inilabas ng poll body.
SA Resolution NO. 10831, itinakda rin ng Comelec ang election period mula October 6 hanggang Disyembre 12, 2022.
Para naman sa campaign period, nakatakdang magsimula sa November 25 hanggang December 3, 2022.
Nakatakda namang magtapos sa January 4 , 2023 ang paghahain ng Statements of Contributions and Expenditures para sa lahat ng mga kandidato ng barangay at SK elections.
Samantala, inihayag ni Comelec Chairman George Garcia na nasa humigit kumulang 70% na ang paghahanda para sa BSKE.
Sisimulan na rin ang pag-imprinta ng mga balota at iba pang election documents sa Setyembre habang sa Oktubre naman ang simula ng shipping ng election paraphernalia.