CAGAYAN DE ORO CITY – Inilarawan ni Cagayan de Oro City Police Office (COCPO) spokesperson Pol Lt. Col. Mardy Hortillosa na generally peaceful ang paggunita ng Huwebes Santo sa Cagayan de Oro City.

Tinutukan ng husto ng pulisiya ang dalawang kilala na religious sites ng lungsod na kinabibilangan ng Malasag sa Barangay Cugman at Our Lady of Gaudalupe Shrine sa Brgy Tablon.

Ayon kay Hortillosa na sa kabila nito ay hindi pa rin nila luluwagan ang ipinapairal na mahigpit na seguridad lalo na’t nagpapatuloy pa rin ang pagdating ng mag devotees sa naturang mga lugar.

Napag-alamang bago paman sumapit ang Semana Santa ay puspusan na ang mga pagpupulong ng mga Pulis, Barangay opisyal at iba pang mga grupo upang masigurong hindi malulusutan ng mga masasamang loob.