-- Advertisements --

Kasunod ng paalala ng Commission on Human Rights (CHR) sa paggamit ng mga otoridad ng yantok sa pagpapatupad ng health protocols ng pamahalaan ilan sa mga matataas na opisyal ng pamahalaan ang kumontra na rito.

Isa sa mga kumontra rito ngayong umaga lamang si Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. dahil umano sa banta ng PNP na paggamit ng rattan stick sa pagpapatupad ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) protocols.

20201207 095929

Nag-post pa si Locsin ng madreng nakahawak ng kahoy ay sinabing ito lang umano ang yantok na kailangang tanggapin mula sa uniformed personnel.

Pero sa panayam ng Bombo Radyo Philippines kay Task Force Covid Shied Commander Lt. Gen. Cesar Binag, sinabi nitong ginagawa nila ang lahat ng paraan para maipatupad ng maayos ang pagpapatupad ng mga health protocols.

Maliban dito, mahigit 8,000 na rin daw kasi ang mga pulis na dinapuan ng nakamamatay na virus kaya naman kailangan nilang mahigpit na ipatupad ang minumum health protocols.

Siniguro naman nitong hindi aabusuhin ng mga pulis ang paggamit ng rattan stick sa kanilang tungkulin na ipatupad ang kanilang mandato.