BAGUIO CITY – Inaprubahan ng Sangguniang Panlalawigan ng Kalinga ang paggamit sa P10 million na pondo para maiwasan ang pagkalat ng coronavirus disease sa lalawigan.

Gagamitin ang P5 million mula sa nasabing halaga para sa pagbili ng mga equipment sa health sector habang ang karagdagang P5 million ay para sa relief operations.

Nanggaling ang ilan sa bahagi ng pondo sa 2020 Quick Response Fund ng lalawigan.

Ayon sa lokal na pamahalaan ng Kalinga, inaasahang makakatanggap pa ang lalawigan ng karagdagang tulong mula sa Department of Social Welfare and Development-Cordillera.

Mamahagi ang Kalinga ng relief goods sa mga mahihirap na residente na pinaka-apektado sa Enhanced Community Quarantine.

Kaugnay nito ay tiniyak ni Gov. Ferdinand Tubban na ginagawa ng lokal na pamahalaan ang lahat ng paraan para hindi makapasok sa Kalinga ang COVID-19.