-- Advertisements --
face mask

Pinayuhan ng Department of Health (DOH) ang publiko na mainam na ipagpatuloy pa rin ng publiko ang pagsusuot ng facemasks na isa ring proteksiyon sa sa hand, foot and mouth diesease.

Sinabi ni Undersecretary Rosario Vergeire, officer-in-charge ng Department of Health (DOH) na isa ring mabisang panlaban sa naturang sakit ang paghuhugas ng kamay.

Ginawa ni Vergeire ang pahayag upang matulungan ang mga magulang na maproteksiyunan ang kanilang anak.

Paliwanag ni Usec. Vergeire, kalimitang tinatamaan ng hand, foot and mouth disease ang mga batang 12-taong gulang pababa.

Ipinunto pa ni Vergeire na ang hand, foot, and mouth disease ay tumatagal lamang ng ilang araw kapag tinamaan ng sakit, pero ito ay delikado sa mga batang may comorbidity o immucompromised dahil sa posibleng komplikasyon.

Kabilang sa sintomas ay ang lagnat, mouth sores at skin rash.

Samantala, mahalaga din aniya na alam ng mga guro ang sintomas ng hand, foot and mouth disease upang maihiwalay agad ang estudyante na tinamaan ng sakit at hindi na makapanghawa pa.