-- Advertisements --
Pansamantalang sinuspendi ng Denmark ang paggamit ng Oxford-AstraZeneca vaccine sa loob ng dalawang linggo.
Ito ay habang iniimbestigahan nila na nagkaroon ng blood clots ang ilang pasyente na naturukan ng nasabing bakuna.
Sinabi ni Danish Health Minister Magnus Heunicle na maaaring nagkaroon ng malubhang side effects ang bakuna na hindi nakayanan ng pasyenteng naturukan.
Mahirap aniya ang kanilang desisyon dahil pansamantalang natigil rin ang kanilang vaccination rollout.
Ayon naman kay Soren Brostom ang director ng National Board of Health na kanilang iimbestigahan ang pangyayari bago tuluyang ipagpatuloy ang paggamit ng AstraZeneca.