Nagbabala ang Council for Welfare of Children (CWC) sa mga magulang at guardians laban sa pag-usbong ng artificial intelligence na ginagamit sa child abuse at exploitation na maaaring magresulta sa insidente ng suicide ng bata.
Sa dinaos na Safer Internet Day Conference, iniulat ni CWC executive director Undersecretary Angelo Tapales na ase sa natanggap niyang impormasyon mula sa PNP Women’s and Children’s Protection Center noong Enero 31, 2024, wala pang naiulat na kaso ng AI child sexual abuse or exploitation materials o child sexual abuse material sa Pilipinas, nagbabala na sila habang maaga pa lamang bago mahuli ang lahat.
Ayon kay Tapales, laganap na ngayon ang paggamit ng AI-generated materials sa ibang bansa base na rin aniya ito sa isang pag-aaral ng non-governmental organization sa UK na nag-imbestiga sa dark website na mayroong mahigit 20,000 child sexual abuse or exploitation materials na ginamitan ng AI.
Kaunay nito, itinutulak ngayon ng grupo para epektibong matugunan ang naturang isyu sa pamamagitan ng pagkakaroon ng kamalayan, pagtataguyod ng responsableng paggamit ng internet at kaukulang pagsasanay ng mga nasa tamang edad na lalo na ang mga magulang at guardians.
Dapaty din aniyang turuan ang mga magulang maging ang mga guidance counselors, mga guro at school administrators sa mga paaralan para maging responsableng internet citizens para maturuan din nila ang kanilang anak at estudyante na matukoy ang mga mapang-abusong sites at mapanganib na content.
Pinayuhan din ng grupo ang mga magulang na huwag magpost ng mga ng mga larawan ng kanilang mga anak online na maaaring gamitin sa iligal na gawain.