ILOILO CITY – Hindi dark horse kundi frontrunner sa 69th Miss Universe pageant si Miss Universe Philippines Rabiya Mateo.

Sa exclusive interview ng Bombo Radyo Iloilo sa pageant blogger at expert na si Mr. Norman Tinio, sinabi nito na kadalasan sa mga kandidata ng Pilipinas ay itinuturing na frontrunner o binabantayan at pinag-uusapan ng mga tao bago pa man ang pageant.

Pinuri rin ni Tinio ang “substance” ni Rabiya at ang kakayahan nito na sagutin ang mga tanong sa pageant lalo pa at naging guro ito noon at may adbokasiya sa edukasyon.

Napag-alamang kanina, nag-check in na si Rabiya sa venue ng Miss Universe pageant sa Seminole Hard Rock Hotel & Casino Hollywood sa Florida, USA.