ILOILO CITY – Hindi nababahala ang isang pageant expert at blogger sa hindi gaanong pagkaaktibo sa social media ng kinatawan ng Pilipinas sa Miss Universe pageant.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Mr. Norman Tinio, sinabi nito na hindi magiging basehan ang social media activities ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo sa kanyang magiging kapalaran sa prestihiyosong pageant na gaganapin sa Mayo.

Ayon kay Tinio, may kanya-kanyang diskarte ang mga beauty queens sa international pageant.

Ang mahalaga ayon sa kanya ay handang-handa na ang Ilongga beauty queen na si Rabiya sa pagsabak sa international stage.

Tinukoy naman ng pageant blogger ang pagka-bold at outspoken ni Rabiya na mga katangian na magiging asset niya upang makuha ang susunod na Miss Universe crown para sa bansa.

-- Advertisement --

Itinuturing naman na mahigpit na katunggali ni Rabiya sina Miss Universe South Africa Natasha Joubert at Miss Universe Thailand Amanda Obdam.