-- Advertisements --

Pagdulog ng Ph Senate sa UN sa WPS dispute vs. China,aksaya ng oras -Prof. Carlos

CAGAYAN DE ORO CITY -Diretsahang tinawag ni dating National Security Adviser Professor Clarita Carlos na pagsasayang lang ng oras ang gagawin ng Philippine Senate na idudulog sa United Nations General Assembly ang tumitinding bangayan patulong sa legal claims ng Pilipinas laban sa China sa mga isla na sakop ng West Philippine Sea.

Kaugnay ito sa pinaggigiitan ng Philippine government na panalo sa arbitrary ruling ng bansa laban sa pag-angkin rin ng China sa usaping mga isla kaya walang humpay ang pagbu-bully nito sa tropang Pinoy na dadaan sa pinag-aagawan na teritoryo.

Ginawa ni Carlos ang pahayag alinsunod sa inilunsad na pag-water canon ng Chinese Coast Guard sa mga sasakyang pandagat na magre-supply mission lang sana sa tropa nito na nakabantay sa strategic location ng karagatang sakop ng bansa noong Agosto 5.

Sinabi ng batikang propesor na huwag ng ituloy ng mga senador sa pamamagitan ng Department of Foreign Affairs ang binabalak nila dahil tiyak na haharangin ito mismo ng China sa plenaryo ng UN dahil sa pagiging miyembro nito ng security council.