Personal na alitan ang nakikita ngayong ng PNP sa pagdukot ng isang babaeng Chinese sa lungsod ng Makati.

Sinabi ni Makati police chief Police Colonel Rogelio Simon, na posibleng may atraso ang biktima sa kanilang kumpanya o alitan sa ilang katrabaho nito.

Mas mabigat nilang tinututukan ang atraso nito sa kumpaniyang pinagtatrabuhan nito.

Nauna na ng idinawit ang live-in partner nito subalit matapos na magtungo ito sa kanilang opisina ay tinanggal na sa pagkakadawit ang live-in nito.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang ginagawang imbestigasyon ng PNP sa nasabing insidente.