-- Advertisements --

Nilinaw ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na wala pang ebidensya ang nagpapatunay na ang pagsusupt ng dalawang face masks ay makakatulong upang protektahan ang publiko laban sa COVID-19 vairants.

Sa Laging Handa press briefing, sinabi ni Vergeire na wala pang malinaw na impormasyon kung magiging sukatan ang pagdodoble sa ginagamit na face mask upang masabi na kailangan talaga itong gawin.

Ang pagsunod pa lang umano sa minimum health protocols na pagsusuot ng face mask ay 60 hanggang 70 posyentong epektibo na laban sa pagkakaroon ng coronavirus disease. Magiging 99 percent pa raw ito kung magsusuot din ang publiko ng face shield tuwing lalabas at pananatilihin ang physical distancing.

Una nang sinabi ni Dr. Anthony Fauci, medical adviser ng Estados Unidos laban sa COVID-19, na maituturing daw na “common sense” ang pagkakaroon ng dagdag na layer ng mask para mas lalong maiwasan ang pagkalat ng respiratory droplets.