-- Advertisements --
Maaring tumagal ng apat na buwan ang pagdinig sa racketeering case ni dating US President Donald Trump sa Georgia.
Sinampahan kasi si Trump at 18 mga dating staff nito dahil sa tangkang pagbaligtad ng resulta ng halalan noong 2020 US elections kung saan nagwagi si President Joe Biden.
Bagamat hindi na naitakda ang petsa ng pagdinig subalit umaasa ang mga prosecutor na masimulan ito sa Oktubre 23.
Sinabi ni state prosecutor Nathan Wade na dahil sa mayroong 150 na witnesses sa nasabing kaso kaya tatagal ng ilang buwan ang nasabing pagdinig.
Magugunitang lahat ng 19 na co-defendents ay naghain na ng not guilty plea at hindi na sila pumayag na magkaroon pa ng in-person na arraignments.