-- Advertisements --
Itinakda sa Enero 10 ng susunod na taon ang pagdinig sa umanoy biglang pagtaas ng singil ng ride hailng app na Grab.
Kasunod ito na hindi nakadalo ang mga abogado ng Grab sa ipinatawag na hearing ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ukol sa usapin nitong Martes.
Nanindigan si Ronald Roda, Grab Philippines Senior Director for Strategy and Operations, na tama lamang ang kanilang ginawang pagtaas dahil naniniwala sila na ginawa lamang nila ang nararapat.
Magpapatuloy aniya sila ng pagtaas kung talagang kinakailangan.
Paliwanag ng LTFRB na layon ng pagdinig ay para mapagdesisyuna nila kung nararapat na nga bang magtalaga ang mga ito ng oras kung kailan puwede magsurge ng rates na magiging epektibo matapos ang pagdinig.