Pinag-aaralan pa ng pamahalaan particular ng Department of National Defense at Armed Forces of the Philippines kung magrirekomenda ng tigil putukan laban sa New Peoples Army ngayong Kapaskuhan.
Sinabi ni Brig. Gen. Joel Nacnac, director ng Armed Forces Center for Law of Armed Conflict na walang ibang hangad ang mga sundalo kundi ang walang mangyaring labanan o putukan sa ganitong panahon.
Ito aniya ay para makapagbakasyon nang mapayapa ang lahat.
Ayon kay Nacnac, kung magdeklara man ang gobyerno ng tigil putukan, sana aniya ay bukas loob itong tanggapin din ng kabilang panig o ng rebeldeng grupo upang hindi naman ito one way lang.
Kaya umaasa si Nacnac na sa sandaling magpasya ang gobyerno na magdeklara ng ceasefire o tigil putukan ngayong holiday season, sana aniya ay may sinseridad itong ipatutupad ng magkabilang panig.