-- Advertisements --

Ikinatuwa ni Philippine National Police (PNP) Chief Oscar Albayalde ang pagsampa ng kaso o pag-indict ng Department of Justice (DOJ) sa Cebuano businessman na si Peter Lim sa kasong drug trafficking at conspiracy.

Ayon sa PNP chief, ang desisyon ng DOJ ay consistent sa kanilang imbestigasyon na nag-uugnay kay Lim at sa self confessed drug-lord na si Kerwin Espinosa sa illegal drug trade sa Visayas.

Pinatunayan lang aniya ng desisyon ng DOJ na hindi nagdi-discriminate ang pamahalaan sa kampanya kontra droga kung saan kahit mayamang negosyante o maimpluwensyang tao ay hindi sinasanto sa war on drugs.

Siniguro pa ni Albayalde na nakahanda ang Criminal Investigation and Detection Group-Central Visayas na dakipin si Peter Lim at hinihintay nalang ng PNP ang arrest warrant.