Ipinauubaya na sa mga local government unit (LGU) officials ang pagdeklara sa kanilang siyudad o bayan ng state of calamity kaugnay sa dengue outbreak.
Kahapon idineklara ng Department of Health (DOH) ang National Dengue Epidemic pero hindi nagdeklara ng national emergency o national state of calamity.
Paliwanag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana, hindi naman lahat ng probinsiya o siyudad ay malubhang naapektuhan ng dengue outbreak kung saan ilang siyudad lamang sa bansa ang may mataas na kaso ng nasabing nakakamatay na sakit kaya hindi ito maituturing na nationwide problem.
Sinabi ni Lorenzana desisyon na ng mga LGU officials ang pagdeklara ng state of calamity kaugnay sa dengue outbreak gaya ng Iloilo City.
Ang Western Visayas kasi ang may pinakamaraming naitalang namatay sa dengue na may 23,330.
Kaya hinimok ng kalihim batay sa inilabas nitong memorandum circular na ang lahat ng member agencies ng National Disaster Risk Reduction and Management Council na makiisa at suportahan ang Nationwide Dengue Epidemic Response.
Layunin nito na tulungan ang Department of Health sa pagsasakatuparan ng mga hakbang para mapigilan ang paglala ng problema sa dengue ng bansa.