-- Advertisements --

Sinalubong ng palakpakan mula sa mga taong nag-aabang sa labas ng Buckingham Palace ang pagdating ng karo na pinagsakyan sa labi ni Queen Elizabeth II.

Nanguna ang Royal Family sa pamumuno ni King Charles III kasama sina Princes William at Harry at ilang miyembro sa pagsalubong sa pagsalubong sa bangkay ng monarch queen.

Mula pa noong nasa 14-mile na biyahe ang bangkay sa Royal Air Force Northolt sa West London patungong Buckingham Palace ay maraming mga tao ang naghintay sa gilid ng kalsada para makita ang pagdaan ng karo.

Nagdagdag na rin ang kapulisan ng kanilang tauhan sa labas ng Buckingham Palace dahil sa inaasahang pagkapal ng mga tao na nais makasilip sa nasabing bangkay.

Isang Jaguar Land Rover ang pinagsakyan sa kabaong kung saan ito ay dinesenyo ng Royal Household at ikinonsulta sa monarch queen.

Mula sa Buckingham Palace ay mananatili ito ng isang araw bago ililipat sa Westminster Hall kung saan mananatili ito ng apat na araw.

Nauna na rin nagpatupad sila ng no-fly zone sa Buckingham Palace.