Nakaantabay ang Commission on Elections sa magiging instruction mula sa Kamara de Representantes matapos ikansela ang special elections sa ikatlong distrito ng Negros Oriental sa Disyembre 9 kasunod ng pagpasa ng House resolution para ipagpaliban ito.
Iginiit ni Comelec chairman George Garcia na nasa kapangyarihan ng Kongreso para sa pagdaraos para sa special elections.
Sa pagbasura ng special elections sa nasabing distrito, ilan sa mga dahilan ay ang bilang ng mga nakabining disquaification cases.
Sinabi ni Comelec chairman Garcia na mula sa 120 na nakabinbing kaso sa buong bansa, nasa 20 ay sa Central Visayas kung saan 2 dito ay sa ikatlong distrito ng Negros Oriental na kinasasangkutan ng mga bagong halal na barangay kagawad.
Target naman ng poll body na maresolba ang nasabing mga kaso bago matapos ang kasalukuyang buwan.
Ang P750 million naman na inilaang pondo ng Comelec para sa special elections na kinuha mula sa savings ng ahensiya ay gagamitin na para sa konstruksiyon ng provincial offices ng poll body.
Matatandaan na nabakante ang naturang upuan sa kongreso para sa ikatlong distrito ng Negros Oriental matapos patasikin ng Kamara si dating Congressman Arnolfo Teves Jr. dahil sa hindi magandang pag-uusali at paglabag sa Code of Conduct ng HOR. Tumangging umuwi din ang mambabatas sa bansa sa gitna ng mga akusasyong ibinabato sa kaniya na utak umano ng pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.