-- Advertisements --

Tumanggi ang Malacañang na tingnan bilang hindi magandang pangyayari ang tinatayang 2.5 million na unplanned pregnancies sa bansa bago matapos ang taong 2020.

Base kasi sa pag-aaral ng University of the Philippine Population Institute (UPPI) at United Nations Population Fund (UNFPA), aabot ng halos 3 milyong kababaihan ang mabubuntis ngayong taon sa Pilipinas bunsod na rin ng mahabang pagpapatupad ng lockdown sa bansa.

Di hamak na mas mataas ito ng 42% kumpara sa datos na kanilang inilabas noong 2019.

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, mananatiling greatest resiurce ng Pilipinas ang mamamayan nito.

Bagamat dapat aniya ay pinapalano ng mabuti ang pagpa-pamilya, ay hindi naman daw ito maituturing na bad news para sa pamahalaan.

Dapat umanong tingnan bilang blessing ang mga batang isisilang at hindi bilang dagdag problema sa pamilya.