-- Advertisements --

Nilinaw ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Garafil na boluntaryo lamang ang pagdalo ng mga empleyado ng Palasyo Malacañang sa idaraos na Bagong Pilipinas campaign rally bukas.

Ito ay sa gitna ng mga ulat na ilang kawani umano ng gobyerno ang minamandatong dumalo sa naturang malaking aktibidad bukas na inaasahang dadaluhan din mismo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Saad naman ni Undersecretary Gerard Baria na bagamat hindi minamandato ang mga empleyado ng gobyerno na dumalo kanilang hinihikayat lamang ang mga ito dahil makakatulong ito sa Bagong Pilipinas campaign.

Parte din aniya ito ng kanilang trabaho na maaaring gamitin bilang time-off credit o kaya may overtime pay. Kapareho din aniya ito ng Christmas party na isang masayang event.

Ang natura ngang event ay libre para sa lahat na nais na pumunta at mapapanood din sa buong bansa sa pamamagitan ng live-streaming.

Inaasahan ng mga organizer na aabot sa 200,000 ang dadalo sa nasabing event.

Top