Bahagyang naantala ang pagdating ng ilang celebrities sa Oscar 2024 sa Hollywood matapos harangin ng libong nagpoprotesta ang pangunahing mga daanan patungo sa pinagdarausan ng event na nananawagan ng ceasefire sa Gaza.
Ilang minuto bago mag-umpisa ang 96th Academy Awards, maraming mga upuan ang bakante sa loob ng Dolby Theatre matapos na maipitang limousines ng mga celebrity sa demonstrasyon ng mga protester na iwinawagayway ang mga placards at isinisigaw ang salitang “Shame”.
Ayon sa ilang protesters, nangyayari ang Oscars habang pinapatay at binobomba ang mga mamamayan sa Gaza.
Kayat inilunad nila ang naturang protesta upang imulat ang mga ito sa nangyayari sa Gaza.
Samantala, ilang mga dumalong celebrity sa Oscars ang nagpakita ng suporta para sa ceasefire sa nagpapatuloy na giyera sa pagitan ng Israel at Hamas sa pamamagitan ng pagsusuot ng red pins sa kanilang kasuotan.
Kabilang na ang Best song nominees na si Billie Eilish at actor na si Ramy Youssef.