-- Advertisements --

Tiwala ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na kanilang makakamit ang P244.84 bilyon gross gaming revenues ngayong taon.

Ayon sa PAGCOR na tumaas ng 33.13% o katumbas ng P60.934-B ang kanilang target kumpara noong 2022 na mayroong P183.906-B na inilaang target.

Paliwanag ni PAGCOR chairman and CEO Alejandro Tengco na ang dahilan ng pagtaas ng kanilang target collection ngayon ay dahil sa naging masigla ang gaming industry noong 2022.

Nagbunsod ito ng pagluluwag na ng restrictions kabilang na ang pagbubukas ng mga borders ng bansa para sa mga local at foreign tourists.