-- Advertisements --
PAGCOR

Iniulat ng Philippine Amusement and Gaming Corp. (Pagcor) ang pagremit nito ng P5 billion sa National Treasury.

Maalalang bago nito ay nag-remit ang PAGCOR ng P1.95 billion sa pamahalaan matapos makakuha ng mataas na buwis mula sa mga gaming operations noong 2022.

Ang P5 billion na muling iniremit ng ng PAGCOR ay dagdag ng retained earnings nitong noong huling bahagi ng 2022.

Sa pamamagitan ng dagdag na P5 Billion, nalagpasan na ng naturang ahensya ang ang idineklara nitong dibidendo sa taong 2021 na umaabot sa P6 Billion.

Sa ilalim ng batas, ang mga government-owned and controlled corporations ay kailangang magremit ng kanilang kita sa pamahalaan.

Ito ay katumbas ng 50% ng kanilang kabuuang kita, batay sa itinatakda ng Republic Act No. 7656, o mas kilala bilang Dividends Law.