Kampante ang Philippine Amusement Gaming Corporation na maaabot ngayong taon ang 92% ng kanilang kita mula sa kabuuang gross revenue noong 2019.
Ang naabot na kita noong 2019 ay ang pinakamataas na kinita rin ng nasabing opisina sa buong kasaysayan nito.
Ayon kay PAGCOR Chair Alejandro Tengco, ang 92% ng kanilang target ay maituturing nang pre-pandemic gaming revenue, o bago pumasok ang Pandemiya.
Sa kasalukuyang taon, naka-kolekta na rin ang PAGCOR ng hanggang P36.21billion na halaga ng revenue o kita.
P22.62 billion dito ay inilaan nito sa nation-building o pagpapabuti sa ibat ibang sektor sa buong bansa.
Ang mahigit P36billion na kinita na ng PAGCOR ay mahigit na sa 50% ng kabuuan nitong target ngayon taon.
Nasa P68.490billion kasi ang target collection ng ng PAGCOR ngayong taon, habang noong 2019 ay nakakolekta ito ng hangang P75billion.