-- Advertisements --

Nanawagan si Ako Bicol Partylist Rep. Alfredo Garbin sa publiko na igalang ang due process ni dating Rep. Zaldy Co.

Sinabi ni Garbin na dapat ituring na inosente si Cong. Zaldy Co hangga’t hindi pa napatutunayang may sala.

Siniguro ni Garbin na sila ay nanindigan sa panig ni Co lalo na sa pinakamahirap na panahong ito. 

Nananawagan ang Ako Bicol Partylist sa publiko na bigyan si Cong. Zaldy Co ng due process na karapatan niya sa lahat ng alegasyon laban sa kanya lalo at hindi pa umuusad ang kaso.

Binanggit ni Garbin na wala pang kaso si Co na kasalukuyang nakabinbin sa mga korte.

Paliwanag ng kongresista na sa ngayon mga  imbestigasyon pa lamang ito at mga paratang na kailangang patunayan sa hukuman o sa anumang quasi-judicial na ahensyon.

Giit ni Garbin nananatili pa rin itong mga alegasyon at may karapatan siya sa kanyang presumption of innocence.