-- Advertisements --

Hinikayat ng The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ang mga operators ng Philippine offshore gaming operations (POGO) na makipag-ugnayan sa mga otoridad at isuko ang mga iligal na trabahador nila na may mga kaso.

Kasunod ito sa naging pahayag ng Chinese embassy sa Manila na kilala na nila ang kanilang mga mamamayan na hinihinalang may mga kaso.

Pinuri din ng PAGCOR ang hakbang ng mga otoridad sa pagsawata ng mga iligal Chinese workers sa bansa.

Magugunitang tumaas ang bilang ng mga Chinese nationals na nagta-trabaho sa POGO industry dahil ipinagbabawal ang sugal sa online gaming sa China.