Pasado na sa ikatlo at pinal na pagbasa ng Senado ang panukalang bubuo ng Philippine Boxing and Combat Sports Commission.

Unanimous ang naging boto rito ng mga miyembro ng mataas na kapulungan ng Kongreso.

Matatandaang dumaan ang panukala sa mahabang mga debate, dahil na rin sa kakulangan ng pondo para sa panibagong ahensya.

Mismong si eight division world boxing champion at Sen. Manny Pacquiao ang principal author nito.

Layunin ng binabalangkas na komisyon na matiyak ang kalagayan ng mga atleta sa combat sports, na may maaasahan silang tulong, kung sakaling dumanas ng negatibong epekto dahil sa mga sinasalihang laro.

-- Advertisement --