Ipinagmalaki ng US embassy ang pagbuhos ng mga investment sa bahagi ng central luzon lalo na sa Clark Freeport and Special Economic Zone.
Ang naturang lugar ay dating pinakamalaking base militar ng Amerika noon.
Sa pagbisita ni US Embassy in the Philippines Chargé d’Affaires ad interim (CDA) Heather Variava sa Clark Freeport binigyang halimbawa nito ang Fedex na isang malaking shipping at logistics company na naglagay ng major investment sa Clark Freeport.
Ang 17,000-square-meter facility ay hudyat nang pagbiboigay suporta sa lumalakas na e-commerce sa Pilipinas na nakasentro ang pagnenegosyo rin sa small-and-medium-sized industries na nakakatulong sa economic recovery mula sa epekto ng COVID-19 pandemic.
Ang naturang kompaniya ay kumuha ng daan daang mga Pinoy workers sa pasilidad na maaring palawakin pa sa mga susunod na taon.
Kabilang pa sa binisita ng US official ay ang Malolos-Clark railway project, na lalong magpapabilis sa transportasyon sa pagitan ng Metro Manila patungong Clark at mga kalapit na rehiyon.