Naniniwala si Bicol Saro Partylist Representative Brian Raymund Yamsuan na “game changer” sa economic growth ng South Luzon ang pagbuhay sa Bicol Express rail line dahil lalong sisigla ang ekonomiya ng rehiyon at magkakaroon ng maraming trabaho para sa mga kababayan nating Bicolanos.
Sinabi ni Yamsuan sa sandaling magbalik operasyon ang Bicol Express Phase 1 project, tinatayang nasa 5,000 hanggang 10,000 direct job constructions ang mabubuo.
Ang Phase 1 sa reconstruction and modernization ng Bicol Express ay may layong 380 kilometers mula Calamba sa Laguna patungong Legazpi sa Albay.
Binigyang-diin ni Yamsuan na ang proyekto ay mangangailangan ng mga highly skilled railway engineers at iba pang technology-savvy worker dahil ang administrasyon ni Ferdinand R. Marcos Jr. ay desidido sa pagpapatupad ng proyekto na may modernong freight infrastructure at world-class passenger rail services sa ruta nito.
Ang proyekto ay magbubukas din ng mahusay na sahod na permanenteng trabaho para sa mga inhinyero ng tren at iba pang mga manggagawa na kailangang sanayin upang patakbuhin ang modernong Bicol Express.
Dagdag pa ni Yamsuan, lalago din ang micro, small and medium enterprises (MSMEs).
Isinusulong din ng Kongresista ang Public-Private Partnership (PPP) mode sa pagpapatupad ng modernization sa Bicol Express to ensure that the project can begin implementation under the current administration.
Inihayag ni Yamsuan na ang makabagong Bicol Express ay hindi lamang ligtas at kumportableng maghahatid ng mga commuter at turista sa magandang ruta nito, kundi magpapadali at magpapataas sa pag transport ng mga kalakal at serbisyo papunta at mula sa South Luzon.
Iminumungkahi din ng mambabatas sa Department of Transportation (DOTr) na ikonsidera ang pag tap sa mga foreign funding institutions gaya ng Asian Development Bank (ADB), at Japan International Cooperation Agency (JICA).
Ang unang pakete ng Bicol Express o South Long Haul Project ng PNR ay inaasahang magpapababa sa oras ng paglalakbay sa pagitan ng dalawang punto mula sa kasalukuyang 14 hanggang 18 oras at magiging 4 hanggang 6 na oras lamang.