CEBU CITY – Hindi ininda ng mga deboto ang masamang panahon makasama lang sa Walk with Jesus sa pagbukas ng Pista ng Sr. Santo Niño.
Gaya ng inaasahan, dinayo ng napakaraming tao ang prusisyon na nagsimula pasado alas-4:00 kaninang madaling araw.
Binaybay nito ang kahabaan ng Osmeña Blvd. patungog Basilica Minore Del Sto. Niño kung saan isinagawa ang unang novena mass.
Aasahan din na mas dadami pa ang mga deboto na kukompleto sa siyam na novena mass bago ang grand celebration ng Pista ng Sr. Santo Niño.
Samantala, hindi magpapatupad ng signal shutdown sa selebrasyon at sa mga aktibidad sa Sinulog 2020.
Ito ay ayon kay Cebu City Mayor Edgardo Labella ug Cebu City Police Office officer-in-charge Col. Engelbert Soriano.
Magpapakalat kasi aniya ng 1,600 pulis sa send-off ceremony na siyang magbabantay sa malawakang Sinulog Festival.
Ngunit nilinaw ni Soriano na maaring i-shut down nila ang signal kung kakailanganin.