-- Advertisements --

Agad na kukuwestiyunin ng Kilusang Mayo Uno (KMU) ang inilabas na temporary restraining order (TRO) ng Pasig Regional Trial Court (RTC) laban sa P85 na dagdag sa minimum wage sa Metro Manila.

Ayon kay Jerome Adonis, chairperson ng KMU, sobrang liit na nga ng umentoat sinabotahe pa ito ng ilang personalidad.

Kaya naman, tatalakayin ng kanilang grupo ang mga legal na hakbang na kanilang isasagawa kaugnay ng desisyon ng korte.

Bukod sa legal na aksyon, nakatakda ring maglunsad ng mga kilos-protesta ang KMU bilang pagtutol sa pagpigil sa umento ng sahod na matagal nang hinihintay ng mga manggagawa.

Ipinahayag din ng grupo ang kanilang pagkadismaya kay Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Francis Tolentino dahil umano’y hindi ito lumaban at nanindigan para sa kapakanan ng mga manggagawa sa gitna ng usapin.

Giit ng KMU, hindi dapat ipagkait sa mga manggagawa ang karampatang dagdag-sahod lalo’t patuloy na tumataas ang presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo.