-- Advertisements --

Ikinabahala ni Sen. Imee Marcos ang mga ulat na mayroon ng mga magsasakang umano’y pinatitigil sa pagtatanim at nakararanas ng pananakot para mapadali ang land conversion sa mga lugar na tatamaan ng Pax Silica Project sa Capas, Tarlac. 

Dahil rito nanawagan si Marcos ng imbestigasyon at maayos na paliwanag mula sa Bases Conversion and Development Authority (BCDA) sa tunay na magaging epekto ng proyekto sa mga residenteng matataaman nito bago isagawa ang land acquisition. 

Binigyang-diin ng senador na hindi sapat ang pangakong umano’y bilyong dolyar na puhunan at trabaho kung ang kapalit naman nito ang kabuhayan ng mga magsasaka at mga katutubong Aeta na naninirahan sa lugar. 

Dagdag pa niya hindi maaring alisan ng kabuhayan ang mga magsasaka na aniya’y nagpapakain sa bayan nang hindi manlang nabibigyan ng sapat na palinawag.

Batay kasi sa mga ulat, halos umabot sa 1,600 ektarya ang maapektuhan, kabilang ang lupang sinasaka ng 92 magsasaka at mga katutubong Aeta sa lugar. Dahil rito, iginiit ni Marcos na dapat naaayon sa batas ang anumang land use conversion alinsunod sa Administrative Order No. 1 Series of 2002 ng Department of Agrarian Reform o DAR. 

Ayon kay Marcos dapat na magkaroon muna ng konsultasyon bago simulan ang kontrusksyon ng proyekyo lalo pa at lumalabas din sa mga ulat na mangagailangan din ito ng napakalaking suplay ng tubig at kuryente na mga pangunahing problema din ng bansa sa kasalukuyan.