-- Advertisements --

Pinayuhan ni Muntinlupa Rep. Ruffy Biazon ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) na gawing syncronized ang pagbubukas ng maraming sektor sa ekonomiya sa COVID-19 vaccine plan para sa mga ito.

Makakatulong aniya ito hindi lamang sa pagkakaroon ng immunity, kundi para mapalakas din ang kumpiyansa ng mga consumers na bumili sa mga negosyong ito.

Sa oras kasi na buksan ang maraming sektor sa ekonomiya na wala man lang confidence-building measure katulad ng isang vaccination program, maaring hindi sasapat din ang consumer response para ma-sustain ang overhead cost, at maaring magresulta pa sa isa pang surge ng infections.

Ang pabubukas din aniya ng mga negosyo ay dapat gawing localized dipende sa kung saan nakapagsimula nang gumulong ang COVID-19 vaccinations ng mga local government units.

Nauna nang nagpahayag ng kanilang pagtutol ang ilang mga alkalde sa Metro Manila sa desisyon ng IATF-EID na payagan ang pagbukas ng mga sinehan at iba pang indoor leisure establishments sa mga lugar sa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ).